Ayon kay Lacson, posible umanong Ng nangyayaring sunud-sunod na pagpatay ay alinsunod sa kumpas at dikta ng palasyo o state-sponsored na.
Paliwanag ni Lacson, sa gagawin ng senado na pag-iimbestiga kasunod ng pagpatay sa Grade 11 na si Kian Loyd Delos Santos sa Caloocan, posibleng maiba ang findings ng pagdinig dahil na rin sa nakikitang pattern ng mga pagpatay.
Pagtitiyak ni Lacson, kapag napatunayang state-sponsored ang mga pagpatay, dito na kinakailangan manindigan ang senado bilang isang institusyon at tumiwalag sa pagsuporta kay Pangulong Duterte.
Bukas inaasahan na mairerefer sa komite ang resolusyon na napagkasunduan ng mayorya ng mga senador matapos magpatawag ng caucus ang liderato ng senado, para imbestigahan ang pagpatay kay Kian kung saan base sa 3-day notice rule, inaasahan na maisagawa ang pagdinig sa usapin sa Biyernes.