7 taong gulang na Pinoy kabilang sa nasaw sa Barcelona attack – DFA

By Isa Avendaño-Umali August 21, 2017 - 11:21 AM

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs o DFA na kabilang ang nawawalang pitong taong gulang na Pilipino sa mga nasawi sa marahas na terror attack sa Barcelona, Spain noong nakarang Huwebes.

Ang bata ay kinilalang si Julian Cadman, na isa na ring British national.

Napaulat siyang nawawala mula pa noong Huwebes, matapos ang van attack ng mga terorista sa Barcelona.

Batay sa report, mismong ang ama ng bata na si Andrew ang kumilala sa bangkay ng anak.

Nasa ospital pa ang ina ng bata na si Jumarie, na nauna nang naglunsad ng online appeal para mahanap ang kanyang anak na nahiwalay sa kanya noong kasagsagan ng van attack.

Nagbabakasyon lamang ang mag-ina sa Spain, ngunit nauwi ito sa trahedya.

Bukod naman sa bata, may isa pang Italian at isang Belgian na kumpirmadong namatay sa pag-atake.

 

 

 

TAGS: 7 year old boy, Barcelona attack, DFA, Julian Cadman, 7 year old boy, Barcelona attack, DFA, Julian Cadman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.