Ikatlong gintong medalya, nasungkit ng Pilipinas sa SEA Games

By Isa Avendaño-Umali August 21, 2017 - 10:13 AM

Inquirer.net Photo

UPDATE: Dalawa pang Filipino athlete ang nakakuha ng gintong medalya sa Southeast Asian o SEA Games 2017 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Tinapos ni Nikko Bryan Huelgas ang men’s triathlon event sa oras na 1:59:30, at nakamit ang gold medal.

Pumangalawa naman o nakakuha ng silver medal sa triathlon ang isa pang Pinoy na si John Chicano.

Matapos ang men’s event, muling namayani ang Pilipinas sa women’s evbent sa thriathlon makaraang masungkit ng Pinay na si Marion Kim Mangrobang ang gintong medalya.

Habang ang Pinay rin na si Ma. Claire Adorna ang nakasungkit ng silver medal.

Dahil sa sunud-sunod na tagumpay, nakaka tatlong gintong medalya na ang Pilpinas, mula nang mag-umpisa ang SEA games 2017.

Ang unang nakakuha ng gold medal ay si Mary Joy Tabal para sa kanyang performance sa women’s marathon.

 

 

 

TAGS: Gold, John Chicano, Nikko Bryan Huelgas, sea games, silver, Triathlon, Gold, John Chicano, Nikko Bryan Huelgas, sea games, silver, Triathlon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.