Sumakabilang buhay na ang driver ng van na pinagbabaril ng anak na isang dating heneral ng Philippine Constabulary.
Ayon kay Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) Chief Rodel Marcelo, pumanaw si Ronbert Ycot kaninang alas 6:21 ng umaga sa The Medical City.
Si Ycot ang driver ng van na pinagbabaril ng suspek na si Jose Maria Abaya habang nasa bahagi ng White Plains sa Quezon City noong Martes ng gabi.
Dahil sa pagkasawi ni Ycot, aamyendahan ng QCPD ang kasong isinampa laban kay Abaya mula sa isang bilang ng murder ay gagawing nila itong 2 counts.
Irerekomenda rin ng QCPD ang pagkansela ng lisesnsya ng baril ni Abaya.
Ayon kay Marcelo, hihilingin nila sa Firearms and Explosives Division ng PNP sa Camp Crame na kanselahin ang lisensya ng baril na pag-aari ni Abaya na calibre 45 at calibre 357.
Maliban sa sa pagkansela, sinabi ni Marcelo na hihilingin din nila sa FED na hindi na muling mabigyan ng lisensya ng baril ang suspek.