Tinupok ng apoy ang bahagi ng Grand Hyatt Hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Nagsimula ang sunog alas 5:55 ng umaga sa generator set area ng hotel.
Agad pinalabas ang mga empleyado at guests ng hotel matapos sumiklab ang sunog.
Ayon kay Taguig City Fire Marshall Inspector Severino Sevilla, umabot sa ikatlong alarma ang sunog na naideklarang fire out alas 8:43 ng umaga.
Wala namang nasaktan sa sunog at inaalam pa kung magkano ang halaga ng pinsala.
WATCH: Sunog sa Grand Hyatt Hotel sa BGC, Taguig, nasa 3rd alarm na | @Justinne24 pic.twitter.com/HfIZFfRXI9
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) August 20, 2017
Sunog sa Grand Hyatt Hotel, walang naitalang sugatan | @Justinne24 pic.twitter.com/8km2INOERd
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) August 21, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.