USS John S. McCain, nabangga sa isang cargo ship, 5 ang sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo August 21, 2017 - 08:44 AM

Photo by Petty Officer 3rd Class James Vazquez

UPDATE: Nagsagawa ng search and rescue operations ang mga otoridad matapos na mabangga ang USS John S. McCain sa isang merchant ship habang patungo sa Singapore.

Naganap ang insidente sa east ng Singapore sa bahagi ng Strait ng Malacca.

Ayon sa statement ng U.S. 7th Fleet, nagtamo ng pinsala sa USS John S. McCain ang nasabing insidente.

Kinumpirma din sa naturang pahayag na sampung tripulante ng destroyer ang nawawala habang lima ang nasugatan.

Ang John S. McCain ay isang guided-missile destroyer.

Noong January 22, 2017 ay nagsagawa ito ng pagpapatrol sa south China Sea.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 7th fleet, foreign, Radyo Inquirer, USS John S McCain, 7th fleet, foreign, Radyo Inquirer, USS John S McCain

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.