Lalaking sumuko sa Oplan Tokhang, tinambangan sa Malabon City

By Cyrille Cupino August 21, 2017 - 08:27 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin habang nasa loob ng computer shop sa N. Vicencio St., Brgy. Niogan, Malabon City.

Kinilala lamang ang biktima na si alyas ‘Bota’, tinatayang nasa 30 hanggang 40 anyos, at residente rin ng lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing naka-istambay lamang si alyas ‘Bota’ sa computer shop nang tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Ayon kay ‘Judy’, kapitbahay ng biktima, dati nang nakulong si alyas ‘Bota’ dahil sa droga, at sumuko na rin ito noon sa Oplan Tokhang.

Ayon kay aling Judy, mabait at pala-kaibigan na tao ang biktima, pero minsan rin itong nasasangkot sa gulo.

Mag-isa lamang umano sa buhay ang biktima, at umaasa na lamang sa mga perang ibinibigay ng mga kapitbahay para may pambili ng pagkain.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo at kung sino ang nasa likod ng nasabing krimen.

 

 

 

 

TAGS: malabon city, metro news, Radyo Inquirer, tokhang, War on drugs, malabon city, metro news, Radyo Inquirer, tokhang, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.