Ilang barangay sa Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig
Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang baranggay sa Quezon City simula ngayong araw, August 21 habang nagsasagawa ng “maintenance activities” ang Maynilad.
Sa inilabas na advisory, apektado ng water service interruption simula alas 11:30 ng gabi ang:
– Barangay Kaligayahan
– Barangay Greater Lagro
– Barangay Bahay Toro
– Barangay Paltok
Dahil dito, pinayuhan ng Maynilad na mag-imbak ng sapat na tubig ang mga residente ng naturang baranggay nang sa gayon ay makaiwas sa abala.
Inaasahan namang maibabalik sa normal ang water supply sa mga nabanggit na baranggay alas-3:30 hanggang alas-4:00 ng umaga ng Martes.
Samantala, mawawalan naman ng suplay ng tubig ang Barangay Sauyo (NIA Village) bukas (August 22) dahil sa maintenance activities ng Maynilad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.