Bagyong Isang, napanatili ang lakas; signal number 2 nakataas sa Batanes Group of Islands

August 21, 2017 - 06:28 AM

Napanatili ng bagyong Isang ang lakas nito habang kumikilos sa direksyong west northwest.

Huling namataan ang bagyo sa 33 kilometers east ng Basco, Batanes, taglay ang lakasng hanging aabot sa 65 kilometer per hour at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 17 kilometers per hour.

Ayon sa Pagasa, pinalalakas ng bagyong isang ang Habagat na naghahatid ng hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila at sa mga Rehiyon ng Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol at Visayas.

Itinaas na ng PAGASA ang signal number 2 sa Batanes Group of Islands habang signal number 1 naman ang nakataas sa Babuyan group of islands.

 

 

 

 

TAGS: Babuyan Group of Islands, Batanes Group of Islands, Ising, Pagasa, Radyo Inquirer, Tropical Storm Ising, Babuyan Group of Islands, Batanes Group of Islands, Ising, Pagasa, Radyo Inquirer, Tropical Storm Ising

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.