Anti-drug education program sa lungsod ng Maynila, mas paiigtingin

By Rhommel Balasbas August 21, 2017 - 05:34 AM

FILE PHOTO | Kuha ni Jan Escosio

Dahil sa kaliwa’t kanan at pagtaas ng bilang ng namamatay sa giyera kontra droga sa lungsod ng Maynila, paiigtingin ni Manila Mayor Joseph Erap Estrada ang anti-drug education program ng lungsod.

Anya, dapat mas paigtingin ang Drug Abuse Resistance Education (DARE) program upang masupil na ang pagdanak ng dugo.

Ani Estrada, maiiwasan sana ang pagkamatay ng mga drug suspects kung properly educated ang mga ito.

Ang DARE program ay naglalayong magturo sa mga kabataan ng epektibong peer resistance at mapalakas ang kanilang kakayahang tumanggi sa paggamit ng iligal na droga.

Ito ay unang inilunsad sa United States sa pamamagitan ng Los Angeles Unified School District sa pakikipagtulungan ng Los Angeles Police Department (LAPD) sa DARE America.

Taong 1993 nang inimbitahan ni Estrada na noon ay bise presidente ang LAPD para sanayin ang PNP Officers sa naturang program.

Sa ngayon, si Estrada ang tumatayong chair ng DARE Philippines kung saan magtatapos na ang 1.5 milyong kabataan sa short course.

 

 

 

 

 

TAGS: Erap Estrada, manila, school, Erap Estrada, manila, school

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.