Pagiging makabayan ni Ninoy Aquino, dapat tularan ng mga Filipino – Duterte

Ninoy AquinoHinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na alalahanin ang buhay ni Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa paggunita ng bansa sa ika-34 na taong kamatayan ng senador.

Sa pahayag ni Duterte na inilabas ng Malacañang, sinabi nito na saksi ang kasaysayan sa kung paanong nagbahagi ang yumaong mamahayag at pulitiko upang magkaroon ng mga positibo at makabuluhang pagbabago sa lipunan.

Ani Duterte, nawa’y ang paggunita sa pagkamatay ni Ninoy ay magtaguyod sa pagkakaisa at pagiging makabayan ng mga Pilipino na legasiya ng yumaong senador.

Anya, hanggang sa huling hininga ni Ninoy, kaisa ito sa pagbuo ng mapayapang rebolusyon na nagresulta sa kalayaan na ineenjoy ng mga Pilipino ngayon.

Si Aquino ang piinakamalaking kritiko ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr.

Siya ay pinatay noong Agosto 21, 1983 sa Manila International Aiport.

Ang pagkamatay niya ang nagbunsod sa kauna-unahang People Power Revolution na tumapos sa rehimeng Marcos.

 

 

 

 

 

Read more...