Malaysia, nag-sorry sa Indonesia matapos maiprint ang flag nito nang baliktad
Naging top trending topic sa twitter ang “shameonyoumalaysia” matapos ang maling pagkaka-print nito ng bandila ng Indonesia sa souvenir guidebook sa Southeast Asian Games.
Naiprint ng Malaysia ang bandila ng Indonesia nang baliktad kaya nagmukha itong bandila ng Poland.
Nagdemand ng apology si President Joko “Jokowi” Widodo dahil anya’y nasaktan ang national pride ng Indonesia ngunit nagbabala naman ito sa mga nais pang palakihin ang isyu sa kanilang kapit-bahay na bansa.
Agad namang humingi ng paumanhin ang Malaysia sa insidente.
Personal na nakipagkita si Malaysian Youth and Sports Minister Khairy Jamaluddin kay Indonesian counterpart Imam Nahrawi para humingi ng paumanhin.
Matapos ang isang pribadong pag-uusap kahapon ng Linggo, nagkamayan ang dalawa sa isang pulong balitaan.
Sa unang apology na ipinost ni Khairy sa twitter noong Sabado, sinabi naman nitong itatama at muling ipiprint ang mga guidebooks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.