Inumpisahan na ng Social Security System (SSS) ang pag-proseso sa mga benepisyo para sa mga nakilala nang biktima ng sunog sa Kentex Manufacturing Corporation sa Valenzuela City.
Ayon kay Louie Sebastian, SSS Media Affairs Asst. Vice President, sa labing isa na sa mga napangalanang biktima ang naiporoseso na ang benepisyo.
Nagawa na rin ang cheke para sa kaanak ng labing isang biktima at nakatakda nang ibigay iisyu ng SSS.
SInabi ni Sebastian, natawagan na nila ang pamilya lima sa mga biktima para makuha ang tseke sa SSS na nagkakahalaga ng P20,000.
Ang nasabing halaga ay para sa employment compensatioon funeral claim.
Ayon kay Sebastian, maliban sa nasabing halaga ay makakakuha rin ng Burial at death benefits ang kaanak ng mga nasawi
Tiniyak pa ni Sebastian na mabilis maibibigay sa mga kaanak ang tseke, basta’t may dala lamang silang ID pagpunta sa SSS / Jong Manlapaz