Ilang domestic flights sa NAIA, kanselado na dahil sa masamang panahon

By Mariel Cruz August 20, 2017 - 05:43 PM

Kinansela na ang ilang flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa masamang panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kinansela na ang flights ng Skyjet na M8 711 at M8 712 Manila to Busuanga at Busuanga to Manila.

Kanselado na rin ang flights ng CebGo na DG 6047 at DG 6048 Manila to Busuanga at Busuanga to Manila.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o ‘di kaya ay refund ng kanilang pamasahe.

Sa latest forecast ng PAGASA, ganap nang bagyo ang LPA na huling namataan sa 735 kilometers east ng Basco, Batanes.

Pinangalanan na din ito ng PAGASA na “Isang” at inaasahang palalakasin nito ang hanging habagat.

Posible din magdulot ito ng pulo-pulong malakas na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, Visayas at mga rehiyon ng Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Bicol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.