Ika-70th kaarawan ni FPJ, inalala ng kanyang pamilya

By Mariel Cruz August 20, 2017 - 03:52 PM

PHOTO FROM THE OFFICE OF SEN. GRACE POE

Pinangunahan ni Sen. Grace Poe ang paggunita sa ika-78th kaarawan ng namayapang ama na si Fernando Poe Jr. sa Manila North Cemetery.

Sa kanyang maiksing talumpati, pinuri ni Poe ang pakikipaglaban ng kanyang ama sa hustisya para sa mga naaapi.

Ayon kay Poe, hindi lamang sa pelikula nakipagpalaban sa katarungan ang kanyang ama, kundi maging sa tunay na buhay.

Hindi rin lamang aniya magaling sa pagboboksing sa pelikula ang kanyang ama, kundi tumutulong din ito sa may sakit, sa mga matatanda at sa mga may problema sa batas na nangangailangan ng representasyon.

Bukod sa senadora, present din sa paggunita kay FPJ ang maybahay na si Susan Roces, anak ni Poe na si Bryan Llamanzares at ilan pang miyembro ng pamilya, mga kaibigan at taga suporta.

Nagpasalamat naman ang pamilya Poe sa mga taga-hanga ni “Da King” na walang sawang nagbibigay ng suporta.

 

 

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.