Indonesia, ikinagalit ang baliktad na bandila na nakalagay sa SEA Games guide book
Inakusahan ng Indonesia ang mga organizers ng Southeast Asian Games sa Malaysia ng kapabayaan matapos malagay sa souvenir guidebook ang baliktad na Indonesian flag.
Makikita sa printed na guidebook na imbes na red ang nasa ibabaw na kulay ng bandila ay naging puti ito, at tila naging katulad ito ng bandila ng bansang Poland kung saan puting kulay ang nasa ibabaw.
Dahil dito, agad umani ng mga negatibong komento ang nasabing pangyayari, at naging top trending pa sa Twitter ang hashtag na ‘shame on you Malaysia’.
Ayon kay Youth and Sports Minister Imam Nahwari, ang nasabing pagkakamali ay “very painful” para sa mga taga Indonesia.
Hiniling naman ni Indonesia Olympic Committee chairman Erick Thohir na palitan ang nasabing mga guidebook.
Nabatid na naipamigay na ang guidebook sa mga VIP sa opening ceremony ng SEA Games noong kahapon, araw ng Sabado, at mapapansin na tanging ang flag lamang ng Indonesia ang mayroong mali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.