Magpapatupad ng dagdag-bawas ang mga oil companies sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa inilabas na advisory ng Department of Energy (DOE), aabot sa P0.10 centavos ang ipapatupad na dagdag singil sa presyo ng gasolina samantalang magbabawas naman ng P0.10 centavos sa presyo ng bawat litro ng diesel at kerosene o gaas.
Ipinaliwanag ng DOE na ang paggalaw sa presyo ng mga petroleum products ay base sa presyo nito sa resulta ng international oil trading.
Posible pa umanong mabago ang nasabing projected adjustment depende sa resulta ng kalakalan sa Lunes.
Kadalawang tuwing araw ng Martes nagkakaroon ng pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Noong nakaraang linggo ay price increase ang mga oil companies para sa presyo ng kanilang gasolina, diesel at kerosene.