Ito ay sa kabila ng pagbasura ng Commission on Appointments (CA) ang pagtatalaga kay Judy Taguiwalo, na kilalang makakaliwa bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ipinahayag ni Sison na kapag nagbitiw sa pwesto ang iba pang makakaliwa ay kakailanganin pa nilang ipaliwanag kung bakit nila gagawin ito.
Aniya, mas mabuti nang makita ng publiko kung bakit ibinabasura ng mga tiwali at ‘incompetent’ na pulitiko ang mga mabubuting public servants.
Giit pa ni Sison, dapat ipaliwanag ng administrasyong Duterte kung bakit inaalis nito sa gabinete ang mga makakaliwa at progresibong miyembro.
Samantala, nakatakda pang humarap sa confirmation process ng CA ang makaliwang sina Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at National Anti-Poverty Commission Liza Maza.