Reinforcement team ng Maute group namataan sa Lanao Del Sur

August 19, 2017 - 04:54 PM

Namataan sa bayan ng Saguiaran sa Lanao del Sur ang hindi bababa sa 20 armadong kalalakihan na hinihinalang reinforcement ng Maute group sa Marawi City.

Ayon kay Maning Dalupang, isang opisyal ng Munisipyo ng Saguiaran, ipinagbigay alam ng dalawang residente ang namataang armadong kalalakihang dumaan sa residential area dakong alas-2:00 ng madaling araw noong Biyernes.

Aniya, tumungo ang mga armadong lalaki sa direksyong papunta sa bayan ng Piagapo, ngunit hindi nila matukoy kung ISIS o Moro Islamic Liberation Front members ang mga ito.

Dagdag ni Dalupang, hindi nagmula sa Saguiaran ang mga ito ngunit hindi matukoy ng mga residente kung saan nanggaling ang mga armadong kalalakihan.

Samantala, bineberipika na ng militar ang napaulat na 20 armadong lalaki na hinihinalang reinforcement ng Maute group sa Marawi City na namataan sa Saguiaran.

TAGS: Rohanisa Abbas, Rohanisa Abbas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.