Sinabi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na isang “relatively close encounter” ang magaganap sa daigdig sa Setyembre 1 dahil sa pagdaan malapit sa mundo ng malaking asteroid na may pangalang “Florence”.
Si Florence na may sukat na halos ay apat na kilometro ay babagtas sa layong 4.4 million miles o katumbas ng labingwalong ulit ng distansiya sa pagitan ng buwan at mundo ayon sa report ng NASA.
Bagaman nakakaalarma ang distansiya, sinabi ng NASA na hindi naman ito magdudulot ng pinsala sa kahit saang panig ng ating daigdig ayon kay Paul Chodas, manager ng Center for Near-Earth Object Studies (CNEOS).
Hindi ito ang pinakamalapit na flyby ng isang foreign object sa mundo pero isa ito sa pinakamalaki ayon pa sa NASA.
Ang asteroid na si Florence ay unang nakita noong 1981 at mula noon ay binantayan na ang galaw nito sa kalawakan.