Sabong sa Pampanga, nais munang ipahinto ng DA

By Kabie Aenlle August 19, 2017 - 04:26 AM

Pinag-iisipan ng Department of Agriculture (DA) na pansamantala munang ipagbawal ang sabong sa Pampanga.

Ito’y bilang bahagi na rin ng mga hakbang ng kagawaran upang maiwasan ang pagkalat pa ng bird flu virus sa lalawigan kung saan unang nagkaroon ng outbreak ng virus.

Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol, iminungkahi na niya kay Pampanga Gov. Lilia Pineda ang dalawang linggong pagbabawal muna sa sabong.

Sumang-ayon naman aniya dito si Pineda, na agad sinabi ang panukala sa mga alkalde na positibo rin ang naging tugon.

Samantala, hindi pa naman ito naipatutupad sa lalawigan dahil ayon kay Pampanga provincial police acting director Senior Supt. Joel Consulta, wala pang pormal na kautusang ibinababa ang DA kaugnay nito.

Kailangan muna aniyang magbigay ng pormal na kautusan ang DA kung ipasususpinde nito ang operasyon ng mga sabungan sa probinsya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.