Ayon kay White House spokeswoman Sarah Sanders, parehong nagkasundo sina White House Chief of Staff John Kelly at Steve Bannon na ito na ang magiging last day ni Bannon.
Sa ngalan ng White House ay nagpasalamat rin si Sanders sa naging serbisyo ni Bannon.
Ayon sa isang source, ilang linggo na ring pinag-iisipan ni Trump ang desisyong ito, at binigyan pa si Bannon ng pagkakataon na kusa na lang umalis dahil pipilitin na rin lang naman siyang gawin ito kalaunan.
Naging kontrobersyal si Bannon matapos siyang magpaunlak ng panayam sa liberal na American Prospect kamakailan, kung saan binanatan niya ang posisyon ni Trump sa isyu sa North Korea.
Nang kwestyunin ang kaniyang mga pahayag, iginiit ni Bannon na ang akala niya ay academic ang kaniyang kausap at na ang kaniyang mga sinasabi ay off the record.