LA Lakers pinayagan si Jordan Clarkson na maglaro sa Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia tournament
Kumpirmado nang makakasama ang Fil-Am na si Jordan Clarkson sa hanay ng mga manlalarong pinoy ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia tournament.
Ito ay matapos na payagan ng kaniyang koponan sa NBA na Los Angeles Lakers si Clarkson para makasali sa Philippine national team.
Binigyan si Clarkson ng LA Lakers ng hanggang September 28 para makapaglaro sa Gilas team.
Kung papayag ang FIBA, ay inaasahang makapaglalaro si Clarkson sa September 23, 24, 25 at 27. Sa ngayon hinihintay na lamang ng kampo ni Clarkson ang pagpayag ng FIBA na siya ay makapaglaro para sa Gilas PIlipinas.
Nais din ng LA Lakers na bago magsimula ang kanilang media day at training camp bago matapos ang Styempre ay makabalik si Clarkson sa Southern California.
Mismong si Clarkson ang nagsabing gustong-gusto niyang maglaro para sa Pilipinas team sa FIBA.
Katunayan, nagbigay din ng commitment si Clarkson para maglaro sa Gilas Pilipinas sa Olympic Games sa susunod na taon sa Rio de Janeiro.
Ang ina ng 23-anyos na si Clarkson ay Pinay at tubong Cebu.
Ngayong araw sa pagpapautloy ng FIBA Asia, makakalaban ng Gilas Pilipinas ang Iran ala 1:00 ng hapon mamaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.