Batang Pinoy na nasugatan sa terrorist attack sa Barcelona, maaring operahan

By Rod Lagusad August 18, 2017 - 07:26 PM

Maaring operahan ang limang taong gulang na Pilipino na nasugatan dahil sa tinamo nitong sugat ayon kay Consul General Dr. Emmanuel Fernandez.

Samantala ayon naman kay Fernandez, minor injuries lang ang natamo ng tatay nito.

Ang naturang mag-ama ay mula sa Cebu pero naging naturalized Irish citizens at gumagamit ng Irish passports.

Kabilang ang dalawa sa mga sugatan matapos araruhin ng hindi pa nakikilalang lalaki ang mataong bahagi ng Barcelona na kung saan 13 katao ang namatay.

Kaugnay nito, nagpadala na si Fernandez ng tauhan para bisitahin ang mag-ama.

Sa pinakahuling tala ng gobyerno ng Spain ay walang ibang Pilipino ang nadamay sa naturang pag-atake.

Hinimok din ni Fernandez ang mga Pilipino na maging maingat kasabay ng patuloy na paghahanap ng mga otoridad sa driver ng van na nang-araro.

 

 

TAGS: Barcelona attack, barcelona spain, Terror attack, Barcelona attack, barcelona spain, Terror attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.