Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla Jr. ito ay naganap sa gusaling kanilang sinusuri.
Sinabi naman ni Padilla na wala namang sundalong namatay sa mga nakaraang araw.
Base sa huling bilang alas 7:00 ng gabi ng August 17, nasa 128 mga sundalo, 45 mga sibilyan at 573 mga terorista ang namatay sa Marawi habang nasa 1,728 mga sibilyan naman ang nailigtas ng mga otoridad.
Nakarekober naman 635 firearms, walong improvised explosive devices at labing-anim na unexploded ordnance mula ng umatake ang Maute sa lungsod noong May 23.