Ilang lugar sa Nueva Ecija naka-quarantine na

By Dona Dominguez-Cargullo August 18, 2017 - 02:43 PM

Inquirer File Photo

Isinailalim na rin sa quarantine ang ilang lugar sa Nueva Ecija matapos mapabalita na umabot na rin doon ang bird flu virus.

Ito’y makaraang kumpirmahin ni Agriculture Sec. Manny Piñol na may mga namatay ngang manok sa Jaen at San Isidro dulot ng bird flu.

Anya, sa initial report na kanyang natanggap, quail at layered poultry farm ang apektado ng naturang sakit.

Gayunman, kanyang sinabi na ang kaso sa Nueva Ecija ay kahalintulad din sa Pampanga kung saan Type A subtype H5 ang nakita.

Hindi pa naman madetermina ng DA kung ano ang N strain ng virus dahil isasailalim pa ito sa laboratory test.

 

 

 

 

TAGS: avian flu, nueva ecijar, poultry farm, Radyo Inquirer, avian flu, nueva ecijar, poultry farm, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.