Death toll sa giyera sa Marawi City nadagdagan pa

By Chona Yu August 18, 2017 - 12:35 PM

Joshua Morales | Radyo Inquirer correspondent

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa nagpapatuloy na giyera sa Marawi City dulot ng panggugulo ng teroristang Maute.

Sa Mindanao hour sa Malakanyang, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, nasa 573 na ang napatay sa hanay ng mga terorista.

Nasa 128 naman aniya ang nalagas mula sa hanay ng gobyerno habang nanatili sa 45 ang mga sibilyan

Ayon kay Padilla nasa walong improvised explosive device at 635 na armas ang nabawi ng militar.

Nasa 32 gusali naman ngayon ang nabawi na ng militar mula sa kamay ng mga terorista.

Ani Padilla, tuloy naman ang operasyon ng Amai Pakpak Medical Center at malaking tulong ito sa mga nasusugatang sundalo.

 

 

 

TAGS: death toll, Marawi City, Maute Terror Group, Terror attack, Terrorism, death toll, Marawi City, Maute Terror Group, Terror attack, Terrorism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.