Madugong drug war ng administrasyong Duterte, binatikos ng LP

By Len Montaño August 18, 2017 - 11:45 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Muling binatikos ni Senator Kiko Pangilinan ang war on drugs ng administrasyong Duterte matapos ang magkakasunod na pagkamatay ng mga drugs suspects sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Bulacan at Manila.

Sa isang pahayag sinabi ni Pangilinan ma acting president ng Liberal Party na hanggang ngayon ay ang mga mahihirap pa rin ang target ng pamahaalan sa kampanya laban sa droga.

Ito aniya ay kahit naman nakapuslit ang bilyong pisong halaga ng shabu sa Bureau of Customs (BOC).

Ayon sa senador, ang ugat ng problema sa droga ay wala sa mga maliit at mahihirap na pinapatay araw-araw.

Ito aniya ay nakita sa pagpuslit ng tone-toneladang shabu sa BOC ng mga sindikatong kasabwat ang mga opisyal ng gobyerno.

Giit ni Pangilinan, ang paghuli sa mga nasa likod ng drug cases ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno.

Hindi aniya makatwiran at mapang-api sa mahihirap na kapag dalawa o tatlong sachet ng shabu ay pinapatay pero tone-toneladang shabu ang pinalusot sa BOC.

 

 

 

TAGS: metro news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, War on drugs, metro news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.