Kinumpirma ni Department of Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na may mga naitala nang kaso ng poultry deaths sa lalawigan ng Nueva Ecjia.
Sinabi ni Piñol na partikular na naitala ang dalawang kaso ng bird flu sa Jaen at sa San Isidro, Nueva Ecija.
Sa kabila nito, nagsagawa pa rin ng pagsusuri para malaman kung ano ang sub type ng sakit na tumama sa mga namatay na ibon
Sa ngayon hinihintay pa ng DA ang resulta ng isinagawang laboratory test sa mga naapektuhang ibon para malaman kung bird flu ba ang sanhi ng pagkamatay ng mga ito.
Ngayong hapon din inaasahang lalabas ang resulta ng pagsusuri.
Kaugnay nito, naglatag na ng quarantine measures ang DA sa lalawigan.
Kung sakaling makumpirma na mayroon nan gang kaso ng bird flu, ang lahat ng ibon na nasa loob ng 1-kilometer radius ay kakatayin, habang ang nasa 7-kilometer radius ay babawalang maibiyahe palabas ng lalawigan.