Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piniol, nakahanda na ang P8 million na initial payment na ipamamahagi nila at posible itong maibibay ng Martes o sa Miyerkules.
Matatandaang ipinangako ng DA ang pagbabayad sa mga kinatay na manok.
* Layer chicken – P80/head
* Broiler chicken – P70/head
* Itik – P80/head
* Pugo – P10/head
* Fighting cock – P80/head
Dagdag pa ng kalihim, nakipagpulong na siya kay Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang sinabi na kakailanganin ng P100 million ng poultry industry sa Pampanga bago tuluyang maka-recover sa outbreak.
Ang naturang pondo ay manggaling umano sa Quick Response Fund ng DA na hawak naman ng Department of Budget and Management (DBM).
Samantala, kahapon ay nasa 92,000 na ibon na ang nakatay ng DA at umaasa naman si Piñol na sa tulong ng isang batalyong sundalo, matatapos na ang culling sa 500,000 na ibon sa bukas araw ng Sabado.
Mula kasi sa orihinal na 600,000 na target, ang ibang poultry growers ay nagbago ang isip na ipakatay ang kanilang mga alaga dahil hindi naman sila nakapaloob sa 1KM radius zone.
Nanindigan naman si Piniol na hindi magbabago ang presyo na ibayayad nila sa mga poultry growers na apektado ng culling at hindi sya magpapadala sa pressure.