Farm owners sa mga lugar na apektado ng avian flu, sisimulan nang bayaran ng DA

By Mark Gene Makalalad August 18, 2017 - 08:45 AM

Sisimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbabayad sa mga farm owner na naapektuhan ng avian influenza outbreak sa Pampanga sa susunod na linggo.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piniol, nakahanda na ang P8 million na initial payment na ipamamahagi nila at posible itong maibibay ng Martes o sa Miyerkules.

Matatandaang ipinangako ng DA ang pagbabayad sa mga kinatay na manok.

* Layer chicken – P80/head
* Broiler chicken – P70/head
* Itik – P80/head
* Pugo – P10/head
* Fighting cock – P80/head

Dagdag pa ng kalihim, nakipagpulong na siya kay Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang sinabi na kakailanganin ng P100 million ng poultry industry sa Pampanga bago tuluyang maka-recover sa outbreak.

Ang naturang pondo ay manggaling umano sa Quick Response Fund ng DA na hawak naman ng Department of Budget and Management (DBM).

Samantala, kahapon ay nasa 92,000 na ibon na ang nakatay ng DA at umaasa naman si Piñol na sa tulong ng isang batalyong sundalo, matatapos na ang culling sa 500,000 na ibon sa bukas araw ng Sabado.

Mula kasi sa orihinal na 600,000 na target, ang ibang poultry growers ay nagbago ang isip na ipakatay ang kanilang mga alaga dahil hindi naman sila nakapaloob sa 1KM radius zone.

Nanindigan naman si Piniol na hindi magbabago ang presyo na ibayayad nila sa mga poultry growers na apektado ng culling at hindi sya magpapadala sa pressure.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: avian flu, Bird Flu, culling, raydo inquirer, san luis pampanga, avian flu, Bird Flu, culling, raydo inquirer, san luis pampanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.