Sunog sumiklab sa residential area sa Caloocan at Quezon City
Dalawang magkahiwalay na insidente ng sunog ang naitala sa Caloocan at sa Quezon City.
Pasado alas 4:00 ng umaga nagsimula ang sunog sa Barangay 181, Paharap Village sa Caloocan City.
Umabot sa P200,000 ang halaga ng mga ari-arian na napinsala sa nasabing sunog na umabot sa ikatlong alarma.
Idineklarang fire out ang sunog sa Caloocan alas 5:56 ng umaga.
Samantala, sa Barangay New Era sa Quezon City naman tinupok ng apoy ang isang residential area sa bahagi ng St. Mary kanto ng St. Joseph Street.
Umabot sa 2nd alarm ang sunog at alas 5:28 ng umaga.
Agad din namang naapula ang apoy alas 5:58 ng umaga.
Inalaam pa ng Bureau of Fire Protection kung ano ang pinagmulan ng dalawang sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.