Nasawi sa loob ng dose oras sa Metro Manila, umabot sa mahigit 30

Kuha nina Cyrille Cupino at Jong Manlapaz

Sa loob lang ng dose oras, mula alas singko ng hapon kahapon hanggang alas singko ngayong umaga, umabot sa 33 ang naitalang nasawi sa Metro Manila.

Karamihan sa mga nasawi ay pawang nanlaban umano sa mga ikinasang anti-illegal drugs operation ng pulisya habang ang iba ay hinihinalang biktima ng summary execution.

Sa isinagawang pag-iikot ng news team ng Radyo Inquirer, 13 ang naitalang patay sa CAMANAVA area sa mga ikinasang police operations, 5 ang nasawi sa Quezon City na pinaniniwalaang biktima ng summary execution, 1 sa Marikina na summary execution din.

Habang mayroon namang 5 nasawi sa Maynila na pawang may kinalaman sa ilegal na droga at ang isa ay negosyante na biktima ng pananambang.

Narito ang breakdown ng mga nasawi sa Metro Manila simula alas 5:00 ng hapon ng August 17 hanggang pasado alas 5:00 ng umaga ng August 18:

Tumana, Marikina – 1 (summary execution)

Quezon City – 6 (summary execution)

Navotas – 2
– Brgy. NBBN (1 drug suspect)
– Brgy. San Jose (1 drug suspect)

Caloocan – 14
– Brgy. 120 – (3 drug suspect)
– Brgy. 13 (1 drug suspect)
– Brgy. Bugallion (1 drug suspect)
– Brgy. 176, Ph. 7 (1 drug suspect)
– Brgy 176, Ph. 6 (2 drug suspect including a wife of a former police)
– Bagong Silang (1 drug suspect)
– Daangbakal Brgy. 176 (1 drug suspect)
– Tala, Brgy. 188 (2 drug suspect)
– Pamasawata (1 holdaper)
– C3 Road Brgy. 28 (1 holdaper)

Tinajeros, Malabon – 1 (drug suspect)

Valenzuela – 3
– Maysan (1 drug suspect)
– Canumay East (1 drug suspect)
– Arkong Bato (1 drug suspect)

Manila – 6
– Zobel Roxas (1 pumalag sa Oplan Sita, pasado alas 5:00 ng hapon)
– Hermosa, Tondo (2 nanlaban sa police operations pasado alas 9:00 ng gabi)
– Paltok, Sampaloc (1 nanlaban sa police operations pasado alas 9:00 ng gabi)
– Lawton (1 nanlaban sa police operations pasado alas 10:00 ng gabi)
– Brgy. 241, Tondo (1 negosyante ang tinambangan)

 

Read more...