Nasunog na barangay sa Misamis Oriental, isinailalim na sa state of calamity

Isinailalim sa state of calamity ang barangay na tinamaan ng malaking sunog kung saan mahigit 100 kabahayan ang tinupok sa bayan ng Opol, Misamis Oriental.

Tumama ang malaking sunog sa Sangguniang Bayan (SB) ng Opol at maging ang konseho ng Barangay Luyong Bonbon.

Ayon kay Opol Mayor Max Seno, isa pang resolusyon ang kanilang inihain upang mapairal ang ”no build zone” sa pinangyarihan ng sunog.

Aniya, nasa P15 milyon ang naitalang danyos sa naganap na trahedya kung saan apektado ang 109 pamilya.

Nagmula sa structural damage ang P5.9 milyon, habang P10 milyon naman para sa mga nasunog na personal properties ng mga biktima.

Sinigurado naman ni Misamis Oriental Governor Bambi Emano na pagkakalooban ng kaukulang tulong ang mga biktima.

Nakatutok pa rin ang mga personahe mula Provincial Health Office at sa Misamis Oriental Cares upang sa gayon ay matiyak ang pangangailangan ng mga biktima.

Wala namang nasawi sa nasabing sunog subalit sugatan ang isang FO1 na si Mark Anthony Acut matapos maapakan ang pako mula sa mga bumagsak na debris.

Read more...