Ang committee on banks, financial institutions and currencies na pinamumunuan ni Sen. Francis Escudero ang mangunguna sa imbestigasyon.
Ayon kay Escudero, iimbitahan nila sa imbestigasyon ang Anti-Money Laundering Council (AMLC), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), National Bureau of Investigation (NBI), pati na ang Luzon Development Bank (LDB).
Sisiyasatin ng Senado ang alegasyon kay Bautista matapos maghain ng resolusyon sina Sen. Tito Sotto at Sen. Panfilo Lacson na silipin kung mayroong paglabag ang LDB sa Anti-Money Laundering Act.
Lumalabas kasi sa mga ulat na mayroong 35 accounts si Bautista sa LDB.
Samantala, hindi pa naman nakatakdang humarap si Bautista sa imbestigasyon ng Senado, pero ayon kay Escudero, iimbitahan ang COMELEC chief kung nanaisin lang ng mga senador.