Malakas ang pag-asa ni Health Sec. Paulyn Ubial na hindi niya sasapitin ang kinahinatnan ng ad interim appointment ni Judy Taguiwalo bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Matatandaang kamakailan lang ay nagdesisyon na ang makapangyarihang Commission on Appointments (CA) na ibasura ang nominasyon kay Taguiwalo sa DSWD.
Ayon kay Ubial, kumpyansa siya na makukuha niya ang kumpirmasyon, pero nasa kamay pa rin aniya ito hindi lang ng CA kundi pati na ng Diyos.
Bukod kay Ubial, nakabinbin pa rin ang kumpirmasyon nina Agrarian Reform Sec. Rafael Mariano at Environment Sec. Roy Cimatu.
Si Cimatu ang pumalit kay Gina Lopez matapos hindi rin katigan ng CA ang appointment sa kaniya sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.