Robredo, dismayado sa biglaang paglobo ng mga napapatay sa mga lansangan

By Rohanisa Abbas August 18, 2017 - 04:28 AM

 

Ipinahayag ni Vice President Leni Robredo ang kanyang galit sa mga operasyon ng pulisya sa Bulacan kung saan 32 suspek ang napatay, at sa Maynila kung saan 26 naman ang napatay sa magdamag.

Hinimok din ni Robredo ang publiko na kundenahin ang naturang insidente.

Aniya, matagal nang tinutuligsa ng sambayanan ang culture of impunity, at hindi dapat hayaang bumalik ito.

Giit ng Pangalawang Pangulo, dapat panagutin sa pamamagitan ng due process ang mga kriminal.

Dagdag ni Robredo, sa mga insidenteng gaya nito, hindi na nasisiguro na umiiral ang hustisya para sa lahat.

Sa ikinasang anti-drug operations ng Bulacan police noong Lunes nang gabi hanggang Martes nang umaga, umabot sa 32 drug suspects ang napatay habang 107 naman ang arestado.

Sa anti-drug operations naman ng Manila police mula Miyerkules nang gabi hanggang Huwebes nang tanghali, hindi bababa sa 26 na suspek ang napatay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.