Matapos ireklamo, at bantaan na sasampahan ng kaso ng isang Belgian designer, binawi na ng bansang Japan ang kanilang 2020 Tokyo Olympic logo.
Itinanggi ng designeer na si Keni Sano na may pinagkopyahan siyang disenyo ng logo, pero minabuti na lamang niyang palitan, na sinuportahan naman ng pamahalaan ng Japan.
Nauna nang pinakita sa publiko ang opisyal na logo ng 2020 Tokyo Olympics noong buwan ng Hulyo.
Umalma ang Belgian designer dahil kahawig umano ito ng logo ng Theatre de Liege.
Pangalawang hakbang na ng Japan ang pagpapalit ng logo, para sa inihahandang Olympics.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.