PNP-HPG ide-deploy na rin sa Commonwealth Ave. sa QC

By Chona Yu August 17, 2017 - 05:16 PM

Inquirer file photo

Aabot sa isandaang pulis ang ipakakalat sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City para magmando ng daloy ng trapiko.

Ayon kay Chief Supt. Abner Escobal, pinuno ng PNP- Highway Patrol Group, inaasahan na kasing bibigat ang trapiko sa bahagi ng Commonwealth Avenue sa mga susunod na araw dahil sa konstruksyon ng MRT 7.

May mga intersection aniya na isasara sa Commonwealth Avenue para sa mga gagamiting heavy equipments.

Isa sa mga pinag-aaralan aniya ngayon ng PNP-HPG ang pag-demolish sa mga concrete barriers para sa pick up at drop off zones ng mga pampasaherong bus at iba pang public utility vehicles.

Naghahanap na rin aniya sila ng alternatibong ruta para ma-decongest ang nasabing daan at nakikipag ugnayan na rin sila sa management ng iba’t ibang subdivision malapit sa lugar.

Ang MRT 7 at mayroong labingapat na istasyon na magsisimula sa North Avenue hanggang sa San Jose del Monte Bulacan.

TAGS: commonwealth avenue, MRT 7, pnp-hpg, commonwealth avenue, MRT 7, pnp-hpg

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.