Kasong malversation, inihain ni Atty. Baligod
Kasong malversation lamang ang isinampa laban ni Atty. Levito Baligod sa 20 mambabatas na umano’y sangkot sa isa pang multi-billion peso pork barrel scam.
Dating abugado si Baligod ng mga itinuturing na whistleblower na sina Benhur Luy at Merlina Suñas, at aniya, mas madaling mapatunayan ang kasong malversation.
Pormal na inihain ni Baligod sa Ombusdman ang kaso laban sa mga mambabatas na sangkot diumano, sa pagsasagawa ng mga channel para sa P500 million Priority Development Assistance Fund (PDAF), sa mga nilikhang non-government organization (NGO) na si pork barrel queen Janet Lim-Napoles.
Nakasaad sa listahan ang mga pangalan ng senador na sangkot, kasama sina Sen. Ramon Revilla Jr., Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Edgardo Angara, Rep. Niel Tupas, Rep. Carol Lopez, Rep. Edgar San Luis, Rep. Arturo Robes, Rep., Rodolfo Antonino, Rep. Julio Ledesma IV, Rep. Francis Bichara, Gov. Alfonso Umali Jr., at TESDA Secretary Joel Villanueva.
Kasama din sa listahan sina dating House Speaker Prospero Nograles, dating Rep. Joseph Santiago, , Rep. Roberto Cajes, Rep. Florencio Miraflores, Rep. Reno Lim, Rep. Maria Arago, dating, Rep. Rachel Arenas , Rep. Marina Clarete at Rep. Francis Bichara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.