Duterte aminado na nagkamali sa paglalagay ng ilang tauhan sa BOC

By Den Macaranas August 17, 2017 - 04:50 PM

Inquirer file photo

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nagkamali siya sa pagtatalaga ng ilang mga opisyal sa Bureau of Customs.

Sa kanyang pagsasalita sa harapan ng mga PNP personnel sa Ozamis City, sinabi ni Duterte na sadyang nakalusot ang droga mula sa Bodega ng Bureau of Customs na nagmula naman sa bansang China.

“Inaamin ko na nagkamali ako, pero hindi kasama dito si Nicanor Faeldon….hindi ko siya ipinagtatanggol pero siya mismo ang nagsabi na alisin ko na siya sa pwesto”, ayon sa pangulo.

Sinabi rin ni Duterte na naniniwala siyang malinis ang mga kamay ni Faeldo sa isyu ng drogang nakapuslit mula sa bodega ng BOC.

Kaugnay nito, sinabi ni Duterte na mas lalo pa niyang tututukan ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Bukod sa BOC, sinabi ng pangulo na napasok na rin ng mga sindikato ng iligal na droga pati ang PNP ang mga local government units.

TAGS: BOC, drugs, Faeldon, Ozamiz, parojinog, BOC, drugs, Faeldon, Ozamiz, parojinog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.