Richard Gutierrez kinasuhan ng BIR ng falsification of public documents
Nahaharap sa panibagong kaso ang aktor na si Richard Gutierrez sa Department of Justice matapos maghain ng magkahiwalay na reklamo ang Bureau of Internal Revenue ng falsification of public documents laban sa aktor.
Pinangunahan ni BIR Assistant Commissioner James Roldan ang paghahain sa DOJ ng reklamo dahil nagsumite umano si Gutierrez ng pekeng Annual Income Tax o ITR noong 2012 gayundin sa kanyang isinumite noong 2nd, 3rd & 4th quarter ng taong 2012.
Matatandaang inireklamo na ng BIR noong April 12, 2017 si Gutierrez dahil sa tax evasion dahil hindi umano ito nagbabayad ng buwis ng kanyang kumpanyang R Gutz Production Incorporated.
Aabot sa P38.57 Million ang utang na buwis ng kumpanya noong 2012.
Ayon sa BIR, naghain si Gutierrez sa DOJ ng counter affidavit noong July 18, 2017 kung saan napagalaman nila na peke ang mga dokukentong ipinasa nito.
Ayon sa kampo ni Gutierrez, wala pa silang natatanggap na kopya ng reklamo kaya’t hindi muna magsasalita ang aktor ukol dito.
Tiniyak naman ni Atty. Mariglen Garduque na may original stamp mula sa Revenue District Office ng bureau ang VAT at ITR na kasama sa ipinasang counter affidavit ni Gutierrez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.