Mga pulis na nakapatay kay Mayor Parojinog dadalawin ni Duterte
Personal na bibisitahin ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na nakatalaga sa Ozamiz City.
Ito ay para parangalan ng medalya ng kadakilaan ang pitong pulis na kasama sa operasyon sa pamilya ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojonig Sr. dahil sa kasong illegal drugs at illegal possession of firearms.
Kabilang sa mga pararangalan ng pangulo sina Misamis PNP Provincial Director SSupt. Jaysen de Guzman, ang Supt. John Francis Encinareal at ang hepe ng pulisya sa lungsod na si C/Insp/ Jovie Espenido.
Kasama rin sa mga bibigyan ng pagkilala sina PO3 Sherwin Paul Seraspe, PO1 bBnzon Gonzales at C/Insp. Berlito de Guzman.
Sa naturang operasyon, napatay ng mga pulis si Parojonig at labing limang iba pa.
Bukod sa pagbibigay parangal, kakausapin din ng pangulo ang mga pulis sa Ozamiz City ngayong hapon.
Matatandaang una nang pinarangalan ni Pangulong Duterte si Espenido kasabay ng anibersaryo ng police service sa Kampo Crame noong Agosto 15.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.