8 patay sa sunog sa Paris, France

By Kathleen Betina Aenlle September 03, 2015 - 04:57 AM

 

fire-defaultWalo ang kumpirmadong patay kabilang ang dalawang bata matapos matupok ng apoy ang isang apartment sa Paris, France kahapon.

Sa pahayag ni Interior Ministry spokesman Pierre-Henry Brandet, nauna nang may inapulang maliit na apoy ang mga bumbero sa gusali sa paanan ng Montmartre hill bandang 12:23 ng hatinggabi, oras sa Paris, ngunit makalipas ang dalawang oras, nakatanggap muli sila ng tawag dahil sa panibagong sunog sa unang palapag ng apartment na agad kumalat sa mga mas sumunod na palapag. Mahigit 100 na bumbero ang kinailangan para maapula ang rumaragasang apoy.

Ani Brandet, ilan sa mga biktima ay namatay dahil sa pag-talon mula sa mga bintana ng gusali sa pagtatangkang iligtas ang kanilang mga sarili.

Bagaman may mga nadeklarang patay sa insidente, mayroon din namang apat na nakaligtas at dinala na sa ospital para mabigyang lunas.

Ayon naman kay Paris Mayor Anne Hidalgo, wala namang naitalang problema sa nasabing gusali noon at ito ay nasa maayos na kondisyon. Dahil dito, tinitingnan na rin ng mga pulis ang posibilidad na may sinadya ang sunog.

TAGS: paris fire, paris fire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.