5 araw, ibinigay ng COMELEC sa mga nais tumutol sa halalan sa Oktubre

INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA

Bibigyan ng limang araw ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga grupong gustong magsumite ng position paper o pagtutol sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mindanao sa darating na Oktubre.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, maari nang makapagpasya ang en banc ng ahensya isang linggo matapos magpasa ng mga grupo.

Nauna nang makapagsumite ng position paper ang Philippine National Police (PNP) na tutol sila sa magiging botohan sa Mindanao.

Iminumungkahi na ipagpaliban muna ang eleksyon sa Mindanao sa kabila ng patuloy na bakbakan sa lugar sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at teroristang grupo sa Marawi City.

Kung sakaling matugunan ang problema sa lugar sa loob ng tatlumpung araw at naging maayos na ang sitwasyon dito ay maaari nang ituloy ang eleksyon.

Ito ay alinsunod na rin sa kapangyarihan ng COMELEC na magpaliban ng eleksyon saanmang lokal na pamahalaan na nakararanas ng karahasan, terorismo at iba pang kaugnay na dahilan na nasa ilalim ng Section 5 ng Omnibus Election Code.

Read more...