1.5 kilo ng shabu, narekober sa buy-bust operation sa Taguig City

By Cyrille Cupino August 17, 2017 - 04:36 AM

Nasabat ng pulisya ang may isa’t kalahating kilo ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Maguindanao St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.

Arestado sa naturang operasyon ang apat na sina Don Kadatuan at Ibrahim Kadtugan, kabilang ang dalawang magkapatid na menor-de-edad.

Nakatakas naman ang mga magulang ng mga menor-de-edad na sina alyas ‘Elmer’ at ‘Diana’ na target ng nasabing operasyon.

Narecover mula sa mga suspect ang walong malalaking sachet ng hinihinalang shabu na aabot sa isa’t kalahating kilo ang timbang.

Bukod pa rito, isang rifle replica, samu’t saring mga bala at drug paraphernalia ang nakumpiska sa mga suspek.

Mahaharap ang mga nahuling suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.