Emma Stone, highest-paid actress ng Forbes ngayong taon

(Photo by Christopher Polk/Getty Images for TNT)

Matapos manalo ng kaniyang kauna-unahang Oscar award, naungusan na ng aktres na si Emma Stone si Jennifer Lawrence sa top spot ng Forbes’ 2017 list of world’s highest-paid actresses.

Ayon sa Forbes, sa loob ng 12 buwan mula June 2016 hanggang June 2017, ay kumita na ng $26 million pre-tax earnings si Stone.

Nalampasan na niya si Jennifer Aniston na napunta sa ikalawang spot ngayong taon matapos kumita ng $25.5 million.

Samantala, si Lawrence naman na dalawang taong magkasunod na nasa tuktok ng listahan ay nasa ikatlong pwesto na lang matapos kumita ng $24 million na halos kalahati ng earnings niya noong nakaraang taon na $46 million.

Kasama rin sa top ten sina Charlize Theron, Emma Watson at Melissa McCarthy.

Read more...