Uber, gagawin ang lahat para maka-pasada ulit ang mga drivers nila

By Kabie Aenlle August 17, 2017 - 04:29 AM

Tiniyak ng transport network company (TNC) na Uber, na gagawin nila ang lahat ng legal na paraan para maka-pasada na ulit ang kanilang mga drivers matapos silang suspindehin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Uber regional manager Mike Brown, tinitiyak nila sa kanilang mga drivers at mga riders na aaksyunan nila ang problema sa lalong madaling panahon upang maibalik na nila ang kanilang operasyon na suspendido ng 30 araw.

Ani pa Brown, numero uno nilang prayoridad ang mga mananakay na araw-araw gumagamit ng Uber, pati na rin ang mga drivers upang makabalik na sila sa pamamasada para sa kanilang kita.

Matapos ang pagpapatawag ng ilang mga senador sa LTFRB at Uber kahapon, nanindigan pa rin ang ahensya sa kanilang ipinataw na kaparusahan.

Tiniyak rin ni Brown na susunod sila at igagalang nila ang mga polisiyang ipatutupad ng LTFRB, kasabay ng pagpapasalamat niya sa lahat ng sumusuporta sa kanilang kumpanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.