Bulacan police, dinepensahan ni Pangulong Duterte sa napatay na 32 drug personalities

Photo from Bulacan Police

NAKAKUHA ng kakampi ang Bulacan police sa katauhan mismo ng kanilang commander-in-chief, si Pangulong Rodrigo Duterte, kaugnay sa pagkakapatay sa 32 suspected drug personalities sa magdamag na One Time Big Time operations sa lalawigan.

“ Maganda ‘yun,” ang nasabi ni Pangulong Duterte nang maalala habang siya ay nagtatalumpati sa Malakanyang ang isinagawang anti-drug operations ng Bulacan police, sabay dagdag, “ patay pa tayo ng another 32 everyday, maybe we can reduce what ails this country.”

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na asahan na ang pagbatikos muli ng mga human rights advocates sa isinagawang operasyon ngunit tiniyak niya na hindi planado ang pagpatay sa mga drug suspects dahil wala naman mapapala ang mga pulis kundi mga kaso kung sinadya ang mga pagpatay.

Dagdag pa nito, may mga hindi pa rin naniniwala kung gaano katindi ang problema sa droga sa bansa sabay amin na inakala niya na parang sa Davao City lang ang problema sa droga ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa ika-19 anibersaryo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), ipinakita din niya ang isang makapal na black folder, na aniya ay naglalaman ng updated list ng mga drug suspects sa bansa.

 

Read more...