Appointment ni Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo ibinasura ng CA

By Ruel Perez August 16, 2017 - 03:27 PM

Sa ikatlong pagkakataon, muling ibinasura ng Commission on Appointments ang ad interim appointment ni Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo.

Matapos harapin ang CA nagsagawa ng closed-door meeting ang mga miyembro at doon na naganap ang botohan.

Nagtungo pa sa plenaryo si Taguiwalo at personal niyang narinig ang kabiguan niyang makuha ang pag-apruba ng mayorya sa hanay ng mga miyembro ng makapangyarihang komisyon.

Labin-tatlo ang umayaw kay Taguiwalo, samantalang may ilang senador na ang nagbunyag ng kanilang boto at pabor sa kalihim ang kanilang boto.

Bunga nito, hindi na maaring muli i-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte si Taguiwalo, na kailangan na rin lisanin ang kanyang opisina. (Ruel Perez)

TAGS: commission on appointments, dswd, DSWD Secretary Judy Taguiwalo, Rodrigo Duterte, commission on appointments, dswd, DSWD Secretary Judy Taguiwalo, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.